Friday, May 02, 2008

Heaven Re-born!!

Its almost rexmas time!! so let me greet you a MERRY REXMAS!!
Have you been good or bad?! hmmm if you have been good then mabuti naman Santa Rex is coming to town. of course you wont get any gifts kasi its my birthday pero i will be the one that will be taking gifts from you! isnt it great?! HO HO HO!

so iisipin mo ngayon.. "syet namng religion to!! ako na nga ung naging mabait ako pa ung kukunan nang gift?! abay gagong bulao yan!!"

hold on my child.. everything has a purpose hindi porke kukunan kita nang gift eh kawawa ka na.. no.. i give to you...


SALVATION!!

haha so what does that mean? hmmmmmmmmmm

it means that you wont go to my hell!!


Ive been thinking, and ive read this from another blog din.

we have a hell for bad people na nga di ba? ngayon i introduce to you my new hell! its a special hell for people na you may call "weird"

Hell #1
Filipino Rapper shit A.K.A. "gangtaz" or "thugzz"

Im not discriminating against mga rapper shit sa bansa natin i just want to point at people who thinks that theyre IN kasi rapper sila.

What are the symptoms kung gusto mong malaman na ur a rapper shit?
1.) first of all you want to were big BIG jerseys
hey wala namng masama dun ah, right? even i were jerseys. PERO NOT EVERYTIME!!
itong mga degenerates na ito can be spotted in the malls, in the cinemas, in the churches wearing jerseys?! at bakit? we can never tell.. scientific tests have proven that they have a mind deficit disorder.. feeling nila everytime they go out may emergency basketball game that they have to play to save all the people sa ating mundong ibabaw. like after a mass sa church feeling nila terrorist will hostage the whole church and the only way that they will let you free is kailangan matalo mo muna sila sa 1-on-1 basketball. WOW

(Being chinese doesnt exempt you from making a sin in the philippines)

gusto rin pala nila palaging nakahead band. para talagang prepared sa incoming important basketball game kuno

2.) you always wear a bling bling and a cap. (minsan naka shades pa or naka tirintas ang hair)

Black people in the states wear bling bling and its ok bakit dito pag nagsuot ka nun you look like shit?
black people use them to represent that they have accomplished something in life. Most black rappers came from under poverty line places and nagsusuot sila nun para sabihin na hey ive survived and done good in life.. eh ikaw mr gangstazz ano namn nagawa mo? i guess you made a rap band named kamote gang or Kamatizz in the Hoodzz pero other than that ano pa? youll be making your own rap about ur neighborhood. saying:

"ako jose, bigatin nang novaliches!
akoy naglalakad nakita ko ang bitches!
kapitbahay ko si nene, malaki ang kanyang bra
hindi ko alam kung ito ay ginagamit nya
STU-PED"

(We are Kamatizz in the Hoodzzz!! REPRESENT!! REPRESENT!!)

stop it stop it nasasayang ang laway mo at nasasayang ang oras namin.
your bling bling isnt even real eh. feeling ko its made of tanso na galing sa virgin cola. see hindi man lang coca cola pero virgin cola pa mas mura kasi eh

3.) nagsusuot ka nang cap na tabingi. this has been one of the phenomenon na hindi masolve nang mga scientist. kasama nya ang "is there a god?" or "totoo kayang may bigfoot?" or "ano nauna itlog or manok?" ito ang question na "bakit tabingi ang cap niya?" bakit ba kaya? kaya nga may bill ung cap para hindi maarawan ang face mo eh so ang ibig bang sabihn eh mas gusto mo na kalahati nang mukha mo may tan tapos ung kalahati maputi?

(bakit kaya nakatabingi ang cap ko? kasi maaraw sa kaliwa ko?)

ang labo

mas malabo pa ung mga people na baliktad ung cap. so anong pinoprotektahan mo? ung batok mo? ang labo talaga


where can they be spotted?
a.) nasa mga jologs na mall wearing their big jersey and standing near the railing anong ginagawa nila sa railing? hindi natin alam. they dont buy stuff and they just stand there i guess wanting to look cool or "coolz" para sa kanila.

b.) nasa concert nang salbakuta and ni gloc 9 saying stu-ped.

c.) nasa friendster may pic na galing sa webcam na hindi ko alam kung saan nila nakuha. siguro ninakaw nila sa rakrockerzz (another kind of sinner na will talk about in my upcoming posts.)

what to do? when:
a.) naglalakad ka sa kalsada and then tinabihan ka nang isang thugz na nakatirintas ang hair at nakasuot nang nakatabinging cap. tapos after a while bigla syang tumingin sayo at biglang nagcreep walk tapos sabi "whatzupz repapips?!"

i suggest that you run... run as fast as you can.. delikado sila baka mahawa ka pa

b.) naglalakad ka nang magisa sa gabi tapos bigla kang may nakasalubong na isang batalyon(mga 8 -10) nang gangstazz. nagpapatugtug sila nang gloc 9 sa kalye at kailangan mong dumaan. ano ang gagawin mo?

i suggest na habang naglalakad ka eh mag creep walk ka hanggang makatawid. blend in para they wont bite or hurt you. throw out some hand signs na you have know idea kung anong meaning they will recognize it somehow and accept you as one of their own..

pero what if hindi sila naniwala. i suggest na magbasag ka nang bote and point the broken glass at them "shouting put*ng *na(tagalog na mura dapat para alam nila ang meaning) kayong mga jologs kayo. wag kayong lalapit! wag kayong lalapit! kung hindi babasagin ko ang boom box(to us normal people hindi natin alam yan pero to them un ung radyo nila) niyo."

yan ang isa sa mga sinners nang ating society

I WILL PUNISH YOU IN HELL.
ang inyong punishment ay 24/7 ay magpapatugtog ako nang hiphop filipino music (carlos aggassi album siguro) para mairita kayo at lahat kayo ay nakasakay sa isang treadmill na tumatakbo buong araw. ang pinagkaiba lang ay hindi ka pwedeng tumakbo sa treadmill kailangang mag creep walk ka kung hindi tatamaan ka nang kidlat

ito muna ang unang hell ko
ill tell you about the others, later in my future posts

Thursday, September 06, 2007

20 things

nothing to do, so gagawin ko na lang to kasi lhat gumagawa na nito
Instructions are to write down something you've always wanted to say but could never really say, to 20 people... The catch is, you can't say who you're saying them to.
sobrang random nang mga nakasulat dito so kung feeling mo ikaw ung sinasabi ko well feeling mo lang un

1. You never gave me any reason to believe in you, so wag kang magalit sa akin, i wish ganun lang kadali sa akin na maniwala sayo pero oh well im smarter than that to belive in you just because everyone does.
2. sana bumalik ka na sa dati, you were a different person maybe two years ago, hndi na talaga ikaw yan, yumayabang ka na, saka laro ka na lang nang laro, get a grip mehn! sana maging seryoso ka na,sana mapalit na, sana makakita ka nang girl na seryosohin mo na. hehe tuloy ang ligaya tuloy ang ligaya!!
3. hehe sori medyo matagal nawala hehe magpapakita na uli ako naging busy lang ang daming ginagawa sa arki eh hehehehe kita kita na lang empi na!
4. Tama na ang backstabban, kahit ako ay wala nang problema sayo. no one can be perfect nga naman, and hndi porke hinihiritan kita eh binabackstab kita lahat naman ay hinihiritan ko diba haha your great naman eh and ako na nagsasabi nun
5. well what can i say, we played and we lost, at least i can still say na i have no regrets and im proud na sinubukan pa rin nating mapawork un, we became stronger dahil dun and masaya ako kasi masaya tayong dalawa ngayon, :D
6. astig ka mehn and you play great guitar solos, sayang you didn't finish arki, hoping pa naman ako na gragraduate tayo dito, sayang you had talent kulang lang sa motivation, pero i have a feeling na magiging successful ka sa napili mong gawin, gudluck
7. You have a pretty face, sayang thats all that you have, hehehe ang boring eh walang wit hahahaha
8. ang swerte mo mahilig akong tumanggi sa mga alok sa akin, hehehe lahat napupunta sayo, ang swerte mo talaga, pero ok lang mahilig ka namang magshare so parang akin pa rin
9. magkasama tayo nung first day nang punyetang arki life and hangang ngayon magkasama pa rin tayo, hehe in the end well march together, sure ako dun, why? hehehe we both know were the smartest in the class, kung nagaaral lang sana tayo hehe kung puro numero lang sana ang arki
10. past is past no apologies needed, wala ka namang talagang kasalanan eh, nagkagulo gulo lang back then and un ang nanyari, well it doesnt matter now naman and we both know that, ok na tayo ngayon
11. sayang ka, your have so much to offer, kung marunong ka lang sanang gumamit nang assets mo you can bag anyone, i still think you have the MOST potential in the class kung magaayos ka lang
12. Hehehe gudluck sayo sana gumana ang mga plano mo ngayon hehehe feeling ko yan na talaga ung hinahanap mo eh, good things come for those who wait. maybe its your time now
13. why is it na when im drunk and with you bigla ko na lang naririnig ang "sailing nang urbandub" in the back of my head
14. sayo talaga ako nagagalingan, madali kang kausap and feeling ko madali ka ring kawork, youll be successful i just can see it, minamalas ka lang ata ngayon lalo na sa pasahan, haha either nahuhulugan ka nang stuffs or nawawalan nang gamit hrs before submission haha
15. dont be so stressed out dude,=D alam kong feeling ko na nararamdaman mo na ung bigat nang position mo ngayon, well were here to help sabihin mo lang kung kelan mo kailangan :D smile!!
16. oi masayang masaya ka ngayon ah, haha im happy na ganyan ka ngayon, sana magwork out lahat nang gusto mong manyari sa ngayon, parang ang daming nanyari sayo ngayong past year (iba talaga pag hot), at least your back to your feet, im proud of you
17. alam naming magaling ka, and your showing it lalo na ngayong nagsisipag ka sa design, keep it up, it will soon show in ur work
18. ang labo mo nakadrugs ka ba?
19. sana tama ako ngayon, i need to get a grip and kung tama ako baka ikaw nga yung magbibigay sa akin nun, P.S. im becoming poorer hahahaha :P
20. i HAD the biggest crush on you, ngayon natatawa na lang ako narealize ko na i was attracted to you kasi you reminded me of someone else, well its better na i dont know anything else about you kasi ill be just knowing how diffrent you are to the person na naalala ko sayo,, labo ah.. haha dont PO me

Saturday, June 02, 2007

im not weird!!

Nabasa ko lang kay eden

Each player of this game starts off with 15 weird things/habits/little known facts about yourself. People who get tagged need to write a blog of their own 15 weird habits/things/little known facts as well as state this rule clearly. At the end, you need to choose 5 people to be tagged and list their names. No tag backs.

15 Weird things/habits/ little known facts about me:

1. im afraid of butterflies. yes nakakatakot sila at baka mabulag pa ako pagdinapuan nila ako

2. hindi ako kumakain nang oreo nasusuka kasi ako

3. math is my favorite subject.

4. ayaw na ayaw kong nasa bahay lang. wala kasi akong makausap kung hindi ung uncle kong baliw eh, saka ung katulong

5. allergic ako sa lamig, yes meron palang ganun, so if ever masyadong malamig sa classroom at lumabas ako un na un. nanyari na un twice sa ust. namula na lang bigla ung buong braso ko tapos ang kati kati. tapos kakalat sa buong katawan arrrgggg haha pareho kami ni abby pasay na ganun eh

6. i really hate it kapag malungkot or galit ang mga tao, it really pisses me off na they can't take what they are doing lightly.

7. sa sobrang pagkatalino nang tatay ko feeling ko nasisiraan na sya nang bait. tawa na lang sya ngayon nang tawa at nagiimbento mga mga korny na jokes

8. Galit na galit sa akin si Architect Sta. Maria kasi palagi akong walang gamit. kahit t-square wala, techpen wala, kahit brush wala kaya after nun everytime na magaattendace ako sa kanya dapat itataas ko daw ung brush ko. tsktsk.

9. reggie miller is the best basketball player for me. ever since bata pa ako, i only watched the game to cheer for the pacers, yeah!!!! since 1996 pacer fan na ako. i watched his best game nung 2002 game with the nets. made a shot from half court in a DO-OR-DIE game, he sent it to overtime. then in the last seconds of overtime he dunked on the whole newjersey team, sent it to double overtime. they lost pero it was the best game ever. It happened on May 3, 2002!! yeah exactly my birthday!! i know that shot was for me! yeah best birthday gift ever!!!!!!!

10. nung bata pa kami nang kuya ko hindi toys ang nireregalo sa amin nang parents namin. they wanted us to develop reading. so si kuya palaging nakakatanggap nang educational books while i always received joke books. So si kuya ay naging genius while i became this.

11. Pareho kaming rex bulao ang pangalan nang kuya ko. ako si rex francis sya rex jonathan. so mga tatawag sa bahay francis ang hanapin nyo hindi rex.

ito ang normal na tumatawag sa bahay:

"pwedeng makausap si rex"
"sinong rex?"
"si rex bulao"
"sinong rex bulao?"
".....uhmmmm ung kalbo po.."
"pareho silang kalbo eh"

12. Eden Tan WAS one of my most hated persons in the world. Now she's one of my closest friends.

13. may mga times na pumapasok ako nang sobrang aga sa ust, so imbes na dumiretso ako sa beato, maglalakad muna ako sa eng tapos diretso sa music tapos sa accounting tapos sa may library tapos lakad sa field hanggang makarating ako sa beato.

14. english, nagtuturo si mam garcia, about sentences tapos dadagdagan mo nang question.
for example:
"it's a lovely day, isn't it?"
"they're going to park, aren't they?"

well hindi ako nakikinig nung time na un, alam ko lang magdadagdan nang question. so sabi sa akin ni garcia:

"all of them are taking the same class...."
so sabi ko:
"really?"
15. Tatlong araw na akong nagdadala nang payong hindi naman umuulan. sa mga nakaraang araw kasi everytime na uuwi ako umuulan so 3 straight days na akong nababasa, palagi kong sinasabi na hindi naman uulan eh. pero umuulan pa rin, so nagdadala na ako nang payong after nun. ngayon hindi na umuulan pag umuuwi ako. Sinayang lang ang payong na dala dala ko.tsktsk

Saturday, May 19, 2007

Anime Convention

went to an anime convention this morning. Go to my Multiply to see awesome videos!!! yeahbah!!

Thursday, May 10, 2007

Irrelevant (kahit wag na basahin, naguubos lang nang oras)

hay. In Ayala right now, waiting for my dad to finish work then diretso na sa airport. Anyway wala lang akong magawa ngayon so magpost na lang ako. Yehey Im finally going back to Boracay and yes.. sobrang ang tagal ko nang gustong bumalik sa beach!!! yehbah im finally going back!! Biglaan nga eh ung, 2 days ago ko lang nalaman hahaha

Ang ganda nang INFINITY ON HIGH na album buy it now!! yeah!! Cant stop listening to it! yes gabo bilhin mo na to!!

anyway had a nonsense conversation with a friend of mine kagabi, about walang kwentang stuffs, about the "CONTEST" at kung ano ano pa. well nonsense lang naman ung usapan pero may part dun na unfair daw ung contest kasi it is easier for guys daw, kasi guys ang gagawa nang first move, well pinagtawanan ko lang sya pero after nang paguusap namin naisip ko nga naman tama nga naman sya. i finally realized that ive been going around this thing the wrong way. may advantage nga naman ung guys, sayang nga naman kung hindi ko gagamitin, Yes may sense din naman pala ang paguusap na un. hahaha

Ano pa ba? hmmmm wala na

mga 20mins from now aalis na rin ako eh, better prepare na lang

tralala!!!!

(i hate it here sa office, ang stiff nang mga tao ni daddy arrrrgggg nasasakal ako)

Wednesday, May 09, 2007

First Job Experience

Why is everyone getting a job?! and why am i still staying at home doing nothing?! huh?! Si gabo nagtratrabaho na, pati sila ming and j.p. din, si tintin naghahanap nang work ung kapatid nya nagwowork na, so bakit ako asa bahay lang hmmmmmmmm

So i was thinking the other day, na syet kailangan ko nang magwork para mayroon akong ginagawa, baka napagiiwanan na lang ako nang panahon at baka pagdating nang panahon bum na lang ako sa bahay. hahaha wag na lang.

So naisip ko nagwork na rin namn ako dati ahh. Kasi dati mga first year high school ako, I worked as a secretary for my dad, siguro may one month din akong nagwork sa kanya, ok namn haha may salari ako yeahbah 350 per day. tapos bibigyan pa akong 100 for lunch then another 100 for dinner. so pwedeng pwede sya. Hindi namn mabigat ung work encoding lang and ang mahirap lang is magiisip ka nang mathematical formulas for excel pang compute nang mga money thingys nila.

So ayun so one day, LAWYER ang dad ko pala ah, merong syang binigay sa akin na isang paper. nakasulat dun ung story nang isang nanakawan na girl parang issubmit ata sa police pero kailangan pa nya ipadaan muna sa dad ko, pero ang kailangang isubmit sa police eh english version.

So sabi nang dad ko, itranslate mo ito in english kasi tagalog. So ayun iniwan na nya ako.

Ito ung tagalog na story(nakalimutan ko na ung ibang part pero ito na ung nareremember ko:

"Isang tanghali, sumakay ako nang fx papuntang Cubao, nakaupo ako sa harap sa biyaheng iyun. Nung napuno na ang Fx, Umandar na sya. Sa may kalagitnaan nang biyahe sa may bandang philcoa. nagsalita ang dalawang lalaki na sa likod ko nakaupo. Sabi nung isa "Holdap! Holdap!! Holdapper kami!!" sabay nilang nilabas ang kanilang baril at itinutok sa amin ang baril. Kinuhaan nya ang lahat nang tao nang mga wallet at cellphone. tapos sinigawan nya ako. "ikaw sa harap, akin na wallet at cellphone mo!!" sabay nito ang pagtutok sa aking likod nang baril. Medyo sumisigaw na ang mga holdaper nung at galit na galit na sumisigaw habang idinidiin ang baril sa aking likod. Sinabi ko na "kuya, ibibigay ko ung wallet ko saka cellphone ko wag mo lang masyadong idiin ung baril sa likod ko. matigas kasi.. masakit.. masakit.." Hindi nya sinunod ang sinabi at kinuha na nya ang wallet ko at cellphone. Pagdating sa may bangdang East Avenue Bumaba na sila. Ung isang lalaki ay may bunot na buhok, medyo matangkad at kayumaggi ang kulay, ung isa nmn ung sumisigaw, ay may mahabang buhok, siguro hanggang shoulders tapos matangad saka kayumangi din."

so ayun iyon ung story na binigay sa akin. ito ung version ko in english ( first year h.s. ako nun time na un and gusto kong magpaimpress sa dad ko so medyo hinabaan ko ung ibang part para mukhang ang galing ko sa english):

"it was one afternoon, i boarded a fx that has the destination of Cubao. I sat in the front for that trip. When the Fx was already full with people, it suddenly started moving. In the middle of the trip, it was in the philcoa place, two guys sitting in my back shouted. One of them said "Hold up!! Hold up!! Were robbers!!!!" it was followed by them getting out their guns and pointing them at us. They took everyone's wallet and cellphones. Then he started shouting at me "You!! sitting in the front, give me your wallet and cellphone!!" it was continued by him pointing towards my back the gun. They were almost shouting at us, they were madly shouting at me while pushing very hard the gun in my back. I said to him "brother, ill give you my wallet and cellphone just dont push your gun behind my back. Its because its very hard.. it hurts.. it hurts.." they took my wallet and cellphone and didnt follow my instructions. When we came in around East Avenue they went down. The first guy had a hair the looked like a bowl, almost tall, Not that white and not that dark, its in the middle. The other guy had long hair almost reaching his shoulders, he was tall, and had the color of the other guy."

(note: this is the real version, nakita ko lang sya kanina and kaya ko naisip ipost tong story na to. first year ako nito ah.)


so ayun after a while, dumating na dad ko. tapos pinakita ko ung ginawa ko.

he read it tapos tawa sya nang tawa. tapos sabi nya sa akin "francis!! i cant pass this!! pagtatawanan lang ako sa presinto." (actual words un ah) sabi ko "huh? bakit naman? ehh ang tagal ko kayang ginawa yan 1 and a half hour"(actually one hour nagsolitaire lang ako) Tapos sabi nang dad ko "1and a half hour mong ginawa to?" tapos tawa lang sya nang tawa. Sabi na lang dad ko na aayusin na lang daw nya para mukhang kapanipaniwala ung story. hello?! sinundan ko lang kaya ung story duh? hahahaha

anyway after that hindi na ata ako nagwork uli.. then end

Wednesday, May 02, 2007

MERRY REXMAS!!!!!!

Maraming maraming salamat sa lahat nang nagreet sa akin ngayong rexmas season!! yeah natalo na nya ang most greetings ive ever received tuwing birthday ko!! yehbah!! Napakasaya nang rexmas season talga, since rexe buena ung night before, ang galing may vinegar-cured ham, tapos may queso de cube, wow definitely masaya lahat, ang all the children singing rexmas songs sa labas caroling all the way!!

and dahil rexmas season ngayon dapat tayong magbigay sa akin nang rexmas gifts since rexmas naman.

ito ang mga hinihingi ko:

Halili family:
isang buong box nang brownies, baked nang lola ni gabo, un ung tinago ko sa bahay nila nung nakitulog ako sa kanila for a whole month

Tan Family:
one year supply of tikoy, ung bang hindi ako mauubusan kahit every breakfast ko kainin

Solano Family:
Dalawang lechon. ung debut ni jenjen may lechon so dapat ako meron din, hehehe dalawa kasi mas mabait ako kay jen. saka pala isang box nang gonuts donuts from tin.

Reyes Family:
yes dalawang bowl nang Halo-halo ang daya palaging wala kapag pumupunta ako eh, parang sinasara nila pagdarating ako

Landicho Family:
isang buong tupperware nang salad nang ate ni miki, yes isang buong tupperware un ung ginawa nang ate nya nung biglaan kaming sumulpot sa bahay nila miki

Lim family:
dalawang drum nang Iced tea, ayan para hindi na ako iinom sa iba nang ice tea

ok tapos na ung family dito namn tayo sa individual gifts:

highschool muna:
Dave Tocjayao: ung monitor nang computer nila, hindi, ipapaayos ko lang
jobo ricalde: isang ipod video, ung U2 version saka ung headphones nya
Mino Veloso: ung car mo akin na lang, hindi bagay sayo eh hindi mo carry, dapat pang rich looking people lang yan
Jay Pineda: Pera na lang tol, masasayang lang sayo yan, mas magagamit ko yan
Patrick Mercado: akin na lang ung lazy boy mo na chair hindi para sa mga intsik ung eh
Marion Aggarao: hihingin ko sana ung jersey mo ni lebron kaya lang naunahan pa akong kunin nang mga taga tondo eh tsktsk
Naht Mipa: Poker set, ibigay mo na sa akin yan kasi dinadaya mo lang kami at nagpapakita ka lang kapag gusto mo kaming perahan
Jory Banez: mehn, wala na akong hihingin sayo, ung pagenroll mo lang sa Conservatory of music eh lifetime gift mo na sa akin. yehboi mabuhay ka!

college friends(ito ung wala pang binibigay sa family gifts):
kei de chavez: personal slave ko na lang si ate yanyan mo
jc garcia: ako ang magbibigay sayo nang gift yes bigyan kita nang suklay
Mong Rodriguez: yes akin na lang lahat nang guitar effects na meron ka
Kokoy Amante: Nintendo wii, ok lang kahit used na, gagamit ko pa rin un
Geran Tan : (yes one of my favorite) akin na lang psp mo
Austine Libres: basta pumasok ka lang on time malaking gift na sa akin un
Tino Ferido: akin na lang ung acoustic bass mo
Abigail Mangune: yes!!! asan na ung Banana Cake ko? Akala ko ba bibigyan mo ako?
Abigail pasay: ang gift mo sa akin eh learning pass sa school of the lisped, yes sabay tayong mageenroll
Marynor Lopez: ikaw ang laging nagbibigay nang snack pag may class so isang box nang mr chips yeah!
Richard Velez: ISANG MAJOR PLATE!!

ung mga hindi pa nahihingan nang gift sa taas hindi kayo nakakaligtas, since meron na akong food and stuffs, pera na lang ang hihingin ko sa inyo:
F.Y.I. nangunguna ka sa list na ito miss Denise Cadiz! haha napakinabangan mo rin ako hahaha joke lang

cge maraming salamat uli sa mga bumati!!
merry rexmas!! lets give love on rexmas day..... rexmas dayyyyy!