First Job Experience
Why is everyone getting a job?! and why am i still staying at home doing nothing?! huh?! Si gabo nagtratrabaho na, pati sila ming and j.p. din, si tintin naghahanap nang work ung kapatid nya nagwowork na, so bakit ako asa bahay lang hmmmmmmmm
So i was thinking the other day, na syet kailangan ko nang magwork para mayroon akong ginagawa, baka napagiiwanan na lang ako nang panahon at baka pagdating nang panahon bum na lang ako sa bahay. hahaha wag na lang.
So naisip ko nagwork na rin namn ako dati ahh. Kasi dati mga first year high school ako, I worked as a secretary for my dad, siguro may one month din akong nagwork sa kanya, ok namn haha may salari ako yeahbah 350 per day. tapos bibigyan pa akong 100 for lunch then another 100 for dinner. so pwedeng pwede sya. Hindi namn mabigat ung work encoding lang and ang mahirap lang is magiisip ka nang mathematical formulas for excel pang compute nang mga money thingys nila.
So ayun so one day, LAWYER ang dad ko pala ah, merong syang binigay sa akin na isang paper. nakasulat dun ung story nang isang nanakawan na girl parang issubmit ata sa police pero kailangan pa nya ipadaan muna sa dad ko, pero ang kailangang isubmit sa police eh english version.
So sabi nang dad ko, itranslate mo ito in english kasi tagalog. So ayun iniwan na nya ako.
Ito ung tagalog na story(nakalimutan ko na ung ibang part pero ito na ung nareremember ko:
"Isang tanghali, sumakay ako nang fx papuntang Cubao, nakaupo ako sa harap sa biyaheng iyun. Nung napuno na ang Fx, Umandar na sya. Sa may kalagitnaan nang biyahe sa may bandang philcoa. nagsalita ang dalawang lalaki na sa likod ko nakaupo. Sabi nung isa "Holdap! Holdap!! Holdapper kami!!" sabay nilang nilabas ang kanilang baril at itinutok sa amin ang baril. Kinuhaan nya ang lahat nang tao nang mga wallet at cellphone. tapos sinigawan nya ako. "ikaw sa harap, akin na wallet at cellphone mo!!" sabay nito ang pagtutok sa aking likod nang baril. Medyo sumisigaw na ang mga holdaper nung at galit na galit na sumisigaw habang idinidiin ang baril sa aking likod. Sinabi ko na "kuya, ibibigay ko ung wallet ko saka cellphone ko wag mo lang masyadong idiin ung baril sa likod ko. matigas kasi.. masakit.. masakit.." Hindi nya sinunod ang sinabi at kinuha na nya ang wallet ko at cellphone. Pagdating sa may bangdang East Avenue Bumaba na sila. Ung isang lalaki ay may bunot na buhok, medyo matangkad at kayumaggi ang kulay, ung isa nmn ung sumisigaw, ay may mahabang buhok, siguro hanggang shoulders tapos matangad saka kayumangi din."
so ayun iyon ung story na binigay sa akin. ito ung version ko in english ( first year h.s. ako nun time na un and gusto kong magpaimpress sa dad ko so medyo hinabaan ko ung ibang part para mukhang ang galing ko sa english):
"it was one afternoon, i boarded a fx that has the destination of Cubao. I sat in the front for that trip. When the Fx was already full with people, it suddenly started moving. In the middle of the trip, it was in the philcoa place, two guys sitting in my back shouted. One of them said "Hold up!! Hold up!! Were robbers!!!!" it was followed by them getting out their guns and pointing them at us. They took everyone's wallet and cellphones. Then he started shouting at me "You!! sitting in the front, give me your wallet and cellphone!!" it was continued by him pointing towards my back the gun. They were almost shouting at us, they were madly shouting at me while pushing very hard the gun in my back. I said to him "brother, ill give you my wallet and cellphone just dont push your gun behind my back. Its because its very hard.. it hurts.. it hurts.." they took my wallet and cellphone and didnt follow my instructions. When we came in around East Avenue they went down. The first guy had a hair the looked like a bowl, almost tall, Not that white and not that dark, its in the middle. The other guy had long hair almost reaching his shoulders, he was tall, and had the color of the other guy."
(note: this is the real version, nakita ko lang sya kanina and kaya ko naisip ipost tong story na to. first year ako nito ah.)
so ayun after a while, dumating na dad ko. tapos pinakita ko ung ginawa ko.
he read it tapos tawa sya nang tawa. tapos sabi nya sa akin "francis!! i cant pass this!! pagtatawanan lang ako sa presinto." (actual words un ah) sabi ko "huh? bakit naman? ehh ang tagal ko kayang ginawa yan 1 and a half hour"(actually one hour nagsolitaire lang ako) Tapos sabi nang dad ko "1and a half hour mong ginawa to?" tapos tawa lang sya nang tawa. Sabi na lang dad ko na aayusin na lang daw nya para mukhang kapanipaniwala ung story. hello?! sinundan ko lang kaya ung story duh? hahahaha
anyway after that hindi na ata ako nagwork uli.. then end
No comments:
Post a Comment