Dahil sa aking paglabas labas nang walang paalam sa aking nanay, hindi na nya ako kinakausap simula nung lunes, i think its much better dahil hindi masyadong maingay sa bahay and hindi nya ako napapagalitan. Usually kasi sinisigawan nya ako sa kung ano ano mga bagay, "patayin mo ilaw!! sayang koryente!!", "saan ka na namang galing?", "wag kang humarang sa tv nanunuod ako!!" mga ganun bagay. i think its normal na sabihin nya un pero ang lakas nang volume nang boses nya eh, parang hindi ikaw ung kausap parang ung kapitbahay sa lakas.
so ayun nga hindi ako kinakausap pero due to this i have now started talking to my dad, hindi naman sa hindi kami naguusap pero hindi kami close. And today, ngayon ko lang napansin na sa kanya ko pala nakuha ang aking kalabuan hahaha
here are some of our conversations:
i was asking if we were still going to batangas kasi wala kaming pagstayan so tinext ko sya:
"dad, may pagstayan ba tayo sa batangas?"
so ayun, ito ang pinakamalabong text na natanggap ko sa buong buhay ko:
"tinawagan ko bukas(as in tomorrow) ung place, sabi wala daw libre hanggang kahapon."
.........HUWAT?! hindi ko talaga nagets, papano nya natawagan ung bukas eh ngayon pa lang, labo, saka walang libre hanggang kahapon? eh eh di ba ngayon ung kahapon nang bukas. it hurts.... my brain hurts.... so hindi na ako nagreply....
next: mahilig magjoke ang dad ko na walang nakakagets, ewan ko kung iniimbento lang ba nya un or may nagkwekwento rin sa kanyang malabong person. well kanina nagusap kami tapos sabi nya "anak may joke ako", ito ung joke nya:
"meron daw mag-ina tapos sabi nang anak sa nanay nya, "mama, inaasar ako nang mga kaklase ko na malaki baba ko" sabi nang nanay nya "hindi totoo un, hindi malaki baba mo" tapos sabi nang anak "ah talga sa salamat mama" tapos sabi nang mama nya "o cge kunin mo na ung sagwan at kumain ka na".....
after nyang sinabi ung last part na un tawa na nang tawa ung tatay ko, tapos parang ung tingin nya sa akin parang nagtataka kung bakit hindi ko gets. tapos nagexplain pa sya para daw magets ung joke nya, sabi pa sa akin "hahaha, hindi mo ba gets? malaki baba nya kasi kumakain sya sa sagwan!!! HAHAHAHAHAH!!!"........... ........my god anong connection nun, ang labo masyado... it really hurts... ..my brain... ewan ko kung joke ba un or riddle or kung ano man.. anyway i wish na kausapin na ako nang nanay ko para hindi ko na muling kausapin ang tatay kong muli.