Saturday, May 19, 2007

Anime Convention

went to an anime convention this morning. Go to my Multiply to see awesome videos!!! yeahbah!!

Thursday, May 10, 2007

Irrelevant (kahit wag na basahin, naguubos lang nang oras)

hay. In Ayala right now, waiting for my dad to finish work then diretso na sa airport. Anyway wala lang akong magawa ngayon so magpost na lang ako. Yehey Im finally going back to Boracay and yes.. sobrang ang tagal ko nang gustong bumalik sa beach!!! yehbah im finally going back!! Biglaan nga eh ung, 2 days ago ko lang nalaman hahaha

Ang ganda nang INFINITY ON HIGH na album buy it now!! yeah!! Cant stop listening to it! yes gabo bilhin mo na to!!

anyway had a nonsense conversation with a friend of mine kagabi, about walang kwentang stuffs, about the "CONTEST" at kung ano ano pa. well nonsense lang naman ung usapan pero may part dun na unfair daw ung contest kasi it is easier for guys daw, kasi guys ang gagawa nang first move, well pinagtawanan ko lang sya pero after nang paguusap namin naisip ko nga naman tama nga naman sya. i finally realized that ive been going around this thing the wrong way. may advantage nga naman ung guys, sayang nga naman kung hindi ko gagamitin, Yes may sense din naman pala ang paguusap na un. hahaha

Ano pa ba? hmmmm wala na

mga 20mins from now aalis na rin ako eh, better prepare na lang

tralala!!!!

(i hate it here sa office, ang stiff nang mga tao ni daddy arrrrgggg nasasakal ako)

Wednesday, May 09, 2007

First Job Experience

Why is everyone getting a job?! and why am i still staying at home doing nothing?! huh?! Si gabo nagtratrabaho na, pati sila ming and j.p. din, si tintin naghahanap nang work ung kapatid nya nagwowork na, so bakit ako asa bahay lang hmmmmmmmm

So i was thinking the other day, na syet kailangan ko nang magwork para mayroon akong ginagawa, baka napagiiwanan na lang ako nang panahon at baka pagdating nang panahon bum na lang ako sa bahay. hahaha wag na lang.

So naisip ko nagwork na rin namn ako dati ahh. Kasi dati mga first year high school ako, I worked as a secretary for my dad, siguro may one month din akong nagwork sa kanya, ok namn haha may salari ako yeahbah 350 per day. tapos bibigyan pa akong 100 for lunch then another 100 for dinner. so pwedeng pwede sya. Hindi namn mabigat ung work encoding lang and ang mahirap lang is magiisip ka nang mathematical formulas for excel pang compute nang mga money thingys nila.

So ayun so one day, LAWYER ang dad ko pala ah, merong syang binigay sa akin na isang paper. nakasulat dun ung story nang isang nanakawan na girl parang issubmit ata sa police pero kailangan pa nya ipadaan muna sa dad ko, pero ang kailangang isubmit sa police eh english version.

So sabi nang dad ko, itranslate mo ito in english kasi tagalog. So ayun iniwan na nya ako.

Ito ung tagalog na story(nakalimutan ko na ung ibang part pero ito na ung nareremember ko:

"Isang tanghali, sumakay ako nang fx papuntang Cubao, nakaupo ako sa harap sa biyaheng iyun. Nung napuno na ang Fx, Umandar na sya. Sa may kalagitnaan nang biyahe sa may bandang philcoa. nagsalita ang dalawang lalaki na sa likod ko nakaupo. Sabi nung isa "Holdap! Holdap!! Holdapper kami!!" sabay nilang nilabas ang kanilang baril at itinutok sa amin ang baril. Kinuhaan nya ang lahat nang tao nang mga wallet at cellphone. tapos sinigawan nya ako. "ikaw sa harap, akin na wallet at cellphone mo!!" sabay nito ang pagtutok sa aking likod nang baril. Medyo sumisigaw na ang mga holdaper nung at galit na galit na sumisigaw habang idinidiin ang baril sa aking likod. Sinabi ko na "kuya, ibibigay ko ung wallet ko saka cellphone ko wag mo lang masyadong idiin ung baril sa likod ko. matigas kasi.. masakit.. masakit.." Hindi nya sinunod ang sinabi at kinuha na nya ang wallet ko at cellphone. Pagdating sa may bangdang East Avenue Bumaba na sila. Ung isang lalaki ay may bunot na buhok, medyo matangkad at kayumaggi ang kulay, ung isa nmn ung sumisigaw, ay may mahabang buhok, siguro hanggang shoulders tapos matangad saka kayumangi din."

so ayun iyon ung story na binigay sa akin. ito ung version ko in english ( first year h.s. ako nun time na un and gusto kong magpaimpress sa dad ko so medyo hinabaan ko ung ibang part para mukhang ang galing ko sa english):

"it was one afternoon, i boarded a fx that has the destination of Cubao. I sat in the front for that trip. When the Fx was already full with people, it suddenly started moving. In the middle of the trip, it was in the philcoa place, two guys sitting in my back shouted. One of them said "Hold up!! Hold up!! Were robbers!!!!" it was followed by them getting out their guns and pointing them at us. They took everyone's wallet and cellphones. Then he started shouting at me "You!! sitting in the front, give me your wallet and cellphone!!" it was continued by him pointing towards my back the gun. They were almost shouting at us, they were madly shouting at me while pushing very hard the gun in my back. I said to him "brother, ill give you my wallet and cellphone just dont push your gun behind my back. Its because its very hard.. it hurts.. it hurts.." they took my wallet and cellphone and didnt follow my instructions. When we came in around East Avenue they went down. The first guy had a hair the looked like a bowl, almost tall, Not that white and not that dark, its in the middle. The other guy had long hair almost reaching his shoulders, he was tall, and had the color of the other guy."

(note: this is the real version, nakita ko lang sya kanina and kaya ko naisip ipost tong story na to. first year ako nito ah.)


so ayun after a while, dumating na dad ko. tapos pinakita ko ung ginawa ko.

he read it tapos tawa sya nang tawa. tapos sabi nya sa akin "francis!! i cant pass this!! pagtatawanan lang ako sa presinto." (actual words un ah) sabi ko "huh? bakit naman? ehh ang tagal ko kayang ginawa yan 1 and a half hour"(actually one hour nagsolitaire lang ako) Tapos sabi nang dad ko "1and a half hour mong ginawa to?" tapos tawa lang sya nang tawa. Sabi na lang dad ko na aayusin na lang daw nya para mukhang kapanipaniwala ung story. hello?! sinundan ko lang kaya ung story duh? hahahaha

anyway after that hindi na ata ako nagwork uli.. then end

Wednesday, May 02, 2007

MERRY REXMAS!!!!!!

Maraming maraming salamat sa lahat nang nagreet sa akin ngayong rexmas season!! yeah natalo na nya ang most greetings ive ever received tuwing birthday ko!! yehbah!! Napakasaya nang rexmas season talga, since rexe buena ung night before, ang galing may vinegar-cured ham, tapos may queso de cube, wow definitely masaya lahat, ang all the children singing rexmas songs sa labas caroling all the way!!

and dahil rexmas season ngayon dapat tayong magbigay sa akin nang rexmas gifts since rexmas naman.

ito ang mga hinihingi ko:

Halili family:
isang buong box nang brownies, baked nang lola ni gabo, un ung tinago ko sa bahay nila nung nakitulog ako sa kanila for a whole month

Tan Family:
one year supply of tikoy, ung bang hindi ako mauubusan kahit every breakfast ko kainin

Solano Family:
Dalawang lechon. ung debut ni jenjen may lechon so dapat ako meron din, hehehe dalawa kasi mas mabait ako kay jen. saka pala isang box nang gonuts donuts from tin.

Reyes Family:
yes dalawang bowl nang Halo-halo ang daya palaging wala kapag pumupunta ako eh, parang sinasara nila pagdarating ako

Landicho Family:
isang buong tupperware nang salad nang ate ni miki, yes isang buong tupperware un ung ginawa nang ate nya nung biglaan kaming sumulpot sa bahay nila miki

Lim family:
dalawang drum nang Iced tea, ayan para hindi na ako iinom sa iba nang ice tea

ok tapos na ung family dito namn tayo sa individual gifts:

highschool muna:
Dave Tocjayao: ung monitor nang computer nila, hindi, ipapaayos ko lang
jobo ricalde: isang ipod video, ung U2 version saka ung headphones nya
Mino Veloso: ung car mo akin na lang, hindi bagay sayo eh hindi mo carry, dapat pang rich looking people lang yan
Jay Pineda: Pera na lang tol, masasayang lang sayo yan, mas magagamit ko yan
Patrick Mercado: akin na lang ung lazy boy mo na chair hindi para sa mga intsik ung eh
Marion Aggarao: hihingin ko sana ung jersey mo ni lebron kaya lang naunahan pa akong kunin nang mga taga tondo eh tsktsk
Naht Mipa: Poker set, ibigay mo na sa akin yan kasi dinadaya mo lang kami at nagpapakita ka lang kapag gusto mo kaming perahan
Jory Banez: mehn, wala na akong hihingin sayo, ung pagenroll mo lang sa Conservatory of music eh lifetime gift mo na sa akin. yehboi mabuhay ka!

college friends(ito ung wala pang binibigay sa family gifts):
kei de chavez: personal slave ko na lang si ate yanyan mo
jc garcia: ako ang magbibigay sayo nang gift yes bigyan kita nang suklay
Mong Rodriguez: yes akin na lang lahat nang guitar effects na meron ka
Kokoy Amante: Nintendo wii, ok lang kahit used na, gagamit ko pa rin un
Geran Tan : (yes one of my favorite) akin na lang psp mo
Austine Libres: basta pumasok ka lang on time malaking gift na sa akin un
Tino Ferido: akin na lang ung acoustic bass mo
Abigail Mangune: yes!!! asan na ung Banana Cake ko? Akala ko ba bibigyan mo ako?
Abigail pasay: ang gift mo sa akin eh learning pass sa school of the lisped, yes sabay tayong mageenroll
Marynor Lopez: ikaw ang laging nagbibigay nang snack pag may class so isang box nang mr chips yeah!
Richard Velez: ISANG MAJOR PLATE!!

ung mga hindi pa nahihingan nang gift sa taas hindi kayo nakakaligtas, since meron na akong food and stuffs, pera na lang ang hihingin ko sa inyo:
F.Y.I. nangunguna ka sa list na ito miss Denise Cadiz! haha napakinabangan mo rin ako hahaha joke lang

cge maraming salamat uli sa mga bumati!!
merry rexmas!! lets give love on rexmas day..... rexmas dayyyyy!